Layunin ng pangkat 5 ng BSED 1B Physical Science na ibahagi ang kaalaman sa iba't ibang uri ng "Seminarista", kanilang pagkakakilanlan at pagkakaiba-iba. Nais naming ipabatid na hindi basta tinawag na Seminarista ay iisang klase lamang. Ang aming pangkat ay nakapagsaliksik ng 10 uri nito na may iba't ibang taglay na kakayahan at katangian.Hindi namin nais sirain ang reputasyon ng mga pari ang nais lang namin ay kilalanin sila ng lubos.Batay narin sa aming mga personal na pagtugon o reaksyon sa aming paksa aming na pagtanto na may ibat-iba pala silang gampanin at pagkakakilanlan.Dahil rin dito nagising kami sa realidad na hindi basta-basta ang pag papari.Maaaring iisipin natin nai madali kung ating titignan.Pero kung ating sisiyaatin mabuti malalaman natin na hindi biro ang kanilang gampanin.
Personal na opinyon ni Jan Philip Cabrera AT Tom leonard Gonzales
CLARENIANS -pangkat ng mga seminarista na isinunod sa pangalan ni Sta.Clara ng Assisi.Siya ay isa sa mga dakilang alagad ng Panginoon na lubos ang pananalig,pagtitiwala at pananampalataya sa banal na katawan at dugo ni Hesus (Ang Banal na Sakramento) Inilaan niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa higit na nangangailangan,tinalikuran niya ang sangkabang yaman sa mundong ito upang sumunod sa tawag ng Panginoon at mabuhay sa kabanalan na higit na kalugod-lugod sa mata ng dakilang manlilikha.
Matindi ang meditasyon sa sarili ng pangkat na ito at kadalasang inilalaan ang sarili sa pananalangin ng mga kaluluwa at iba pang intensyon mula sa iba't ibang tao. Araw-araw may liham na dumarating sa seminaryo pawang mga panalangin ng kahilingan ang nilalaman nito kung kaya't ang mga rektor ay ibinibigay ang gampanin ng pananalangin sa kamay ng mga clarenians. Madalas silang matatagpuan sa meditation room kung saan tanging ang banal na Krus lamang ang kanilang kaharap habang nananalangin.
Naniniwala sila sa katagang "Ang layunin ng tao ay ang makita ang Diyos". Para sa kanila ito ay pinakadakila at banal na layunin sa lahat ng layunin sa mundong ito. Para sa mga taong walang diyos ito ay pawang kalokohan lamang at isang katawa-tawang bagay,subalit sa pananaw ng pangkat na ito maituturing na sagradong batas sa kanilang buhay ang mga katagang ito hanggang sa kahulihulihang sandali ng kanilang buhay.
Ang mga Clarenians ay walang kahilig-hilig sa fashion at walang taste sa pagporma.Pinangangatawanan nila ang pagiging simple. Ang hilig nilang gawin sa kanilang libreng oras ay ang pamamalagi sa kwarto. Madalas silang natutulog na may rosaryo o di kaya'y nakakatulog sa pagdarasal na may hawak na rosaryo. Sa kabila nito,tinutukso sila ng mga gabrielians at pinagpapantasyahan ng mga peternians ng palihim,pawang mga indangered species na ang pangkat na ito sa panahong ito.
Sa pangkat na ito sumisibol ang mga monghe ng simbahan na inilalaan ang bawat sandali ng kanilang buhay sa pananalangin para sa iba at sa kaligtasan at kapayapaan ng buong mundo.
LONGUINASIANS - ito ay ang mga seminaristang may pananaw na "too se is to believe", kinakailangan nila nang kongkretong pagpapatunay lalo na kapag nakikipagdebate ka sa kanila. Taglay ng pangkat na ito ang kahusayan sa pakikipagtalastasan, sila ang matinding karibal ng mga archanians pagdating sa debate. Sila ang mga tipo ng seminarista na maikli ang pasensya sa mga pilosopong tao at madalas silang napapatawag para sa emotional test sa guidance. Ang palatandaan sa kanila ay ang madalasang walk-out pagnapipikon, subalit sa kabila ng kanilang pag-uugali marunong silang humingi ng paumanhin sa oras na mahimasmasan,tulad ni San Longinus na nag-alinlangan sa katauhan ng Panginoon sa kalbaryo ng paghihirap,siya ang senturyon na umulos sa tagiliran ng Panginoon matapos ang paghihirap habang nakabayubay ito sa krus,bandang huli nasabi niya na "tunay ngang anak ng Diyos ang taong ito". Marunong silang umamin ng pagkakamali sa pangkat na ito sumibol ang mga nagiging Aglipayan Priest.
ARCHANIANS - ang pangkat na ito ay madalas makasagutan sa debate ng mga longinus. Sila ang mga tipo ng seminaristang may matinding paninindigan sa maraming bagay,kaya nilang pangatawanan ang kanilang sinasabi. Taglay nila ang katapangan at tibay ng kalooban,tulad ni Sta.Juana ng Arko. Ipinanganak si Juana sa bayan ng Domrémy (ngayo'y Domrémy-la-Pucelle, o Domremy ng Dalagita), Pransya noong Enero 6 o 16, 1412. Noong bata pa siya, naririnig na niya ang mga boses nina San Miguel Arkanghel, Sta. Katrina, at Sta. Margaret, at isinabi nang mga ito na ipagtanggol niya ang Pransiya mula sa pananakop ng mga Ingles. Sinundan niya ang utos ng mga tinig at nagbihis lalaki siya't sumapi sa Sandatahang Real ng Pransya.
Isa sa mga himalang nagawa niya ay kilalalin si Carlos, ang Dauphin (pagbigkas: DOfan) o prinsipe ng Pransya na naging si haring Carlos VII. Sa isang okasyon, sa halip ng pagbihis ni Carlos sa karaniwan niyang mga damit bilang Dauphin ay nagdamit siya ng pangkaraniwang tao at nakipag-halubilo siya sa maraming tao. Kaagad-agad siyang nabuking ni Juana, at inalay ng dalagita ang kaniyang mga serbisyong pansandatahan sa Dauphin. Sa gulang na 17 taon,naging pinuno siya ng Sandatahang Real ng Pransya at matagumpay na iniligtas ang lungsod ng Orleans mula sa mga Ingles.
Mahigpit silang kritiko pagdating sa paperworks, workshop at reflective writings. Sa kabila ng napakaseryosong pagmumuka,napaka pintasero nila. Sa pangkat na ito umuusbong ang mga paring nagkakainteres na magmilitar at nagiging tagapagtanggol ng bayan.
THOMASIANS - tinaguriang Harry Potter ng seminaryo, nabibilang sila sa pangkat ng mga matatalino, mataas ang kanilang confidence level pagdating sa academic performance. Mahilig silang magmemorya ng mga aral nang simbahan lalo na sa teolohiya. Sila ang madalas ipanglaban sa quizbee at kadalasang nag-uuwi ng gintong medalya.
Madalas din silang nabibigyan ng mga incentives at special treatment dahil na din sa kanilang abilidad. Tulad ni Sto. Tomas Aquino - tanyag siya bilang klasikal na tagapagtanggol ng likas na teolohiya at kabilang sa tatlumpu't-tatlong doktor ng simbahan. Ibabahagi lamang namin ang tatlong uri ng karunungan , una ang karunungan ay tuloy-tuloy at walang patid o hangganan, ikalawa ang karunungan ay kailangan na kapakipakinabang hindi dapat ito gamitin sa kasakiman,kasamaan at mga bagay na pansarili lamang , ikatlo ang karunungan ay may limitasyon, ang pagbibigay ng oras para sa sarili at sa iba pang bagay na mahalaga, mas masarap na magtuon nang panahon sa higit na kapakipakinabang. Iginugugol nila ang sarili sa pagbabasa at pag-aaral ng mga katekismo sa simbahan. Mahina sila sa mga outdoor activity at kulelat pagdating sa palakasan. Mahirap silang makasundo pagdating sa mga group projects at activities dahil nakasanayan na nila ang gumawa mag-isa. Sa pangkat na ito sumisibol ang mga rektor at lokal na opisyal ng simbahan.
PETERNIANS - ang mga seminaristang 50:50 sa maraming bagay, madalas silang sumagot ng ewan at pwede. Sila yung mga "Great Pretender" kung tawagin dahil astang lalaki ang moda nila,banidoso at maingat sa face, subalit sa kabila ng lahat ikinunukubli nila ang sarili sa katotohanan na sila'y mga pamintang durog lamang. Hate na hate nila ang awiting "This guys in love with you pare,bading na bading sayo!". Madalas nilang pantasyahin at paglawayan sa kanilang imahinasyon ang mga clarenians. Isinunod ang pangalan nila kay pedro dahil sa ginawang pagtatatwa nito sa Panginoon, tulad ng karaniwang ginagawa ng mga peternians sa kanilang sarili. Sa una limitado lamang ang kanilang kilos at galaw dahil takot sila sa diskriminasyon,subalit kalaunan dahil na din sa pilosopiya napipilitan silang ipakita kung anu ang kanilang tunay na pagkatao. Masakit man subalit dalawa lamang ang kinapupuntahan ng mga peternians una: eviction case to case basis, pangalawa: voluntary exit sa seminaryo. Bihira lamang ang mga nagiging pari sa pangkat na ito.
MICHAELIANS - ang personal assistance (pwede ding personal alalay) ng mga pari. Ang michaelians ang tipo ng seminaristang walang maitatagong lihim isa man,sila ang kaututang dila ng mga gabrielians,madalas silang wala sa seminaryo lalo na kung madaming outside appointment ang mga pari. Maaari din silang bansagan ng "seminaristang gala". Masuwerte ang mga nabibilang sa pangkat na ito sapagkat palagi silang libre sa lahat ng bagay, kadalasan silang suki ng excuse slip,sila ang mga seminaristang nagiging pari na mahilig mag travel and tour sa iba't ibang dako ng mundo. Isinunod and pangalan ng pangkat na ito sa Arkanghel Miguel dahil sa kanilang taglay na katapatan at pagiging huwaran sa paglilingkod sa kanilang mga pinuno, tulad ni Miguel naglingkod siya sa panig nang langit hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay magapi lamang ang hari ng kapalaluan na si satanas.
Madali mong makikilala ang mga michaelians madalas silang may bitbit na handy bag. Mabilis ang lakad habang sumusunod sila sa kanilang master. Favorite motto nila "walang makapaglilingkod ng sabay sa dalawang Panginoon", tapat sila at stick to one lang sa kanilang paglilingkod.
GABRIELIANS - John Lapus at Boy Abunda ng seminaryo dahil sa kanilang matalak na bunganga at malamyang boses, tinaguriang chikadora, mahilig silang mang-intriga at gumawa ng kwento,sila ang dapat iwasan subalit kung gusto mo silang makasundo dapat maki ride-on ka sa kanilang mga sinasabi at kinukwento.
Iritable sila sa mga tahimik at seryosong tao, madalas na napagiinitan nila at napagtitripan ang mga Clarenians. Isinunod ang pangalan ng pangkat na ito sa Anghel Gabriel na tinaguriang mensahero o tagapagdala ng balita. Ang mga Gabrielians ang mga tipo ng seminarista na seloso,inggitero at malakas mang impluwensya sa iba. Mahirap silang kaaway dahil sa kanilang maruming taktika ng paninirang puri. Kalapitang loob nila ang mga michaelians, madalas silang makipagmataasan ng ihi sa mga kauri nilang silahis. Sila ang mga mapang asam ng titulo sa seminaryo at ginagawa lahat masunod lamang ang layaw.
CATHERINIANS - kapayapaan at kabutihan ang kanilang pananaw sa buhay yan ang hatid nila sa kapwa seminarista. Ayaw nila ng gulo, kalmado, mapagbigay at maunawain ang pangkat na ito, sila ay neutral sa lahat ng bagay wala silang kinikilingan, mahusay silang makitungo sa karamihan.
Sila ang madalas na pumapagitan sa mga away at nagiging tulay para mapagkasunduan ang dalawang partidong hindi magkaunawaan, tulad ni Sta Catalina ng Siena - pinagkasundo niya ang santo papa ng roma at ang santo papa ng europa nung kasagsagan ng hidwaan at kadiliman ng simbahang romano katoliko, nais nilang pagkaisahin ang bawat mananampalataya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting ugnayan at isang pamunuan. Sila ay madalas matagpuan sa silid aklatan kung saan mahilig silang magbasa ng Time magazine, Reader's Digest at Religious Arcticle for peace and order.
Sa pangkat na ito sumisibol ang mga spiritual adviser na nagiging tagapayo ng mga may pangalang angkan sa lipunan at takbuhan ng mga bigong puso.
RAPHAELIANS - medical team ng seminaryo, eksperto sila pagdating sa mga first aid activities at madalas mamuno sa mga scouting. Ang karaniwang laman ng kanilang bag ay medical kit, sila ay paliging in-charge sa medical booth pag intramurals day, ang nabibilang dito ay kadalasang second courser na lamang mula sa medical field. Madalas silang makikita sa clinic. Isinunod ang pangalan ng pangkat na ito sa Anghel raphael na tinaguriang tagapaghilom at tagapagpagaling ng Diyos.
Tinaguriang silang "Comforter of the afflicted at health of the sick". Tahimik, mabait at maliksing kumilos ang mga ito especially sa mga emergency cases. Ang mga paring sumisibol sa pangkat na ito ay karaniwang nagiging Red Cross Volunteer o kaya nama'y nagiging miyembro ng mga non-government organization. Ang kanilang pananaw sa buhay ay ang "maglingkod ng walang hinihintay na kapalit."
CECILIANS - pinagpala sila ng natatanging kakayahan sa larangan ng musika, ang boses ng mga seminaristang ito ay talaga namang kaakit-akit at katawag pansin. Masarap ka jamming ang mga Cecilians sa mga awiting pang simbahan tulad ng Papuri, Banyuhay, Kristo at iba pa. Mahusay silang lumikha ng mga awiting patungkol sa Panginoon at sa kanilang pag-awit naipapahayag ang kanilang saloobin at panalangin.
Madali mo silang makikilala, madalas may dala silang gitara, may hawak na musical book at kadalasang mag-isang umaawit. Hilig nilang magpalipas ng oras sa grotto at garden ng seminaryo, gusto nila ang payapang kapaligiran kung saan huni lamang ng ibon at ihip ng hangin ang kanilang maririnig habang sumusulat ng awitin sa notebook. Biniyayaan sila ng husay sa pag awit at pag tugtog tulad ni Sta. Cecilia - isang birhen at martir ng simbahan dahil sa kanyang pananalig at maimpluwensiyang boses na nakapagbalik loob sa maraming makasalanan. Ang mga Cecilian ay ginagamit ang kanilang boses upang mapalawig ang kanilang pananamlampalataya, maipakita ang kanilang damdamin at makapanghikayat ng mga mananampalataya.
Sa pangkat na ito madalas sumisikat ang mga paring nagkakaroon ng music album at nagkakaroon ng mga concert for a cause tulad ng mga heswita na mayroong album na pinamagatang Awit Heswita Volume 1-9.
Personal na opinyon ni Reivilyn Puerto
Clarenians - Uri ng seminarista na malalim ang pananampalataya sa diyos.Kadalasan sila ang mga nangungusap sa tao para ilapit at tulungan magbalik sa loob sa panginoon.Isang magandang halimbawa nito ay isang mag asawa ay ang mga taong lumalapit sa kabataan hindi para humingi ng tulong kundi magbahagi ng mabubuting salita ayon sa bilbliya.Napagtanto ko na mas pinahahalagahan nila ang diyos kaysa sa kanilang sarili.Wala silang sinasayang na oras at sandali sa bawat biyayang ipanagkaloob ng diyos.Mababakas sa kanilang mata Ang lalim ng pananalig at pagmamahal nila sa diyos at hindi sila kailanman nag patukso sa kaaway.Dahil nasa puso na nila ang panginoon.
Archanians- Uri ng seminarista na masyadong mataas ang tingin sa sarili na nila na tila akala nila'y perpekto at wala ng maipipinta sa kanila.Hindi porket seminarista ka ay laging tama ang bawat desisyon at sasabihin mo.Hindi mo sila makikitang nagsasaya kahit may pagkakataon.Para sa kanila sa bawat oras at panahon na nagdadaan ay di dapat sayangin sa mga walang kabuluhang bagayu.Hanggat maaari,trabaho at gampanin nila bilang seminarista ang isinasagawa nila.Ayaw rin nilang makakita na hindi kaaya-aya at maling gawain,Gusto nila lagi ay iyong walang labis at kulang sa bawat gawain.Kadalasan kung anong ayaw ng archanians na asal ay siya namang taglay nila.Dumi ng iba pinakikialaman nila pero dumi nila hindi nila makuhang pansinin.
Thomasians - Uri ng seminarista na may mataas na pinag-aralan.Sila ang mga seminarista na patuloy sa pagtuklas sa mga tanong na wala pang kasagutan.Hanggat maaari gusto nilang ilaan ang oras nila sa pag-aaral kahit silay nakatapos na.Isang kaugalian na siguro ito ng mga thomasians,siguro dahilan nila hindi basta matatapos ang pag-aaral at paglinang sa kanilang nalalamansa isang diploma lamang.Dahil kung gusto mo pa matuto ito'y patuloy lamang.Ngunit kalakip na epekto nito ay ang kawalan na nila ng oras para magsaya o di naman kaya'y makisalamuha.Dahil kadalasan sa mga thomasians ay palaging nag-iisa.
Paternians- Uri ng seminarista na hindi nagtatagal sa simbahan.Masama mang marinig at tumbukin ang paternians ay nabibilang sa silahis.Kung pisikal ang pag-uusapan maaaring magulahan ka.Dahil na rin sa porma at kilos na ipinapakita nila na katangian talaga ng lalaki,Pero pagdating sa mental na usapan iba ang nangingibabaw.Hindi mo rin agad malalaman kung ano ang saloobin nila,Dahil ikinukubli nila ito hanggat maaari.Maaari ang dahilan nila ayaw nilang makarinig ng masamang salita at mapintasan ng ibang tao.Wala silang lakas ng loob at tiwala sa sarili na kadalasan dapat taglay ng bawat indibidwal na nilalang dito sa mundo.
Michaelians - Uri ng seminarista na walang sariling Katauhan.Ang nais kung ipahiwatig ay sila ay laging anino lamang ng nakakataas sa kanila na walang sariling pagkakakilanlan,desisyon at plano.Maaaring sanay na sila at gusto nila ang ginagawa nila kayat silay nagtatagal sa gampanin na ito.Ngunit kahit sila'y anino,maaasahan naman sila sa lahat ng bagay at pagkakataon at hindi rin sila malahim na tao.Kung anong nararamdaman nila na hindi nila gusto ay sasabihin nila.Dahil ayaw nilang nagsisiraan ng patalikod.
Gabrielians - Uri ng seminarista na hindi magandang halimbawa o ehemplo sa kapwa niya seminarista.Sila ang mga seminarista na makasalan na hindi nararapat sa seminaryo.Kuntento na sila sa kung anong meron sila.Hindi rin sila marunong magpakababa masyadong mataas ang tingin nila sa sarili nila.Wala silang paki-alam kahit nakakasakit na sila ng ibang tao basta kung ano nasa isip nila ay isasagawa nilana hindi nagdadalawang isip.
Catherinians- Uri ng seminarista na wala kang makikitang maling pag-uugali.Hindi ko sinasabing perpekto,isa lang itong pagbibigay galang ng paghanga dahil isa itong ehemplo.Hanggat maaari ayaw nilang makasakit ng kapwa nila seminarista.Maaaring may ugali silang hindi maganda pero dahil sa daming positibo natatakpan na ito.
Raphaelians- Sila ang seminarista na tungkuling ginagampanan ay gaya ng nurse.Ang kaibahan ay hindi sila nag-aral ng taon kundi dito sila inalagay at unti-unti ng nalinang ang kanilang kakayahan.Pagod at puyat ang kadalasang taglay ng raphaelians.Ngunit kahit ganun pa man ang pagtulong sa nangangailangan ng lunas ay siyang nagpapasaya sa mga raphaelians,sapat na sa kanila ang makatulong gaya ng isa sa bilin ng panginoon ang pagtulong sa kapwa ng buong puso at kaluluwa.
Cecilians - Uri ng seminarista na ginagamit ang talento para tumulong.Malawak ang kanilang imahinasyon sa bawat bagay na kanilang nakikita.At agad ay marami na silang ideya na naiisip para mas lalong maunawaan.Sabay ng paglilingkod at pagsasagawa ng kanilang gampanin ay kasiyahin din dahil sabay na gagampanan ang paglilingkod at paglinang sa talento ang kanilang gawain.Masaya na silang nakakatulong masaya rin sila sa kanilang ginagawa.
Personal na opinyon ni Pamela anne Sunga
Clarenians- Itoy kagaya ni santa clara ng assisi sila ang pinaka makadiyos kumpara sa iba.Mga tahimik o simpleng salita .
Longuinasians - Sila ay hindi basta naniniwala sa mga bagay bagay.Maikli ang pasensiya pero marunong namang umamin ng pagkakamali.
Archanians- Mga matatapang na seminarista at mahigpit sa maraming bagay .
Thomasians- Pangkat ng mga matatalino pero mahina sa mga pang palakasan.Sa kanila madalas nang gagaling ang mga opisyal ng simbahan.
Paternians - Great pretender kung tawagin sila.Sila ang mga hindi pa sigurado kung ano talaga sila kaya madalas hindi natutuloy ang pagpapari.
Michaelians - Mga kanang kamay ng mga pari taga sunod ,alalay.Pero sulit naman dahil nakakapag libot sila sa ibang bansa.
Gabrielians - Acting leader kung baga ang role nila.Tinaguriang tsikadora,seloso,ingitero at malakas mang inpluwensya.
Catherinians - Peace maker ang gampanin nila.Mga walang kinikilingan pantay kung humusga.Gusto lang nila ang magkaroon ng pagkakaisa.Magaling magbigay ng payo at madalas na adviser ng kilalang angkan
Raphaelians -Doctor ng seminarista.Naniniwala sila sa paglilingkod ng walang kapalit.
Cecilians - Hindi sila nawawala sa mga patimpalak.Pinagpala sila ng talento sa pag kanta,Hindi lang basta umaawit sila magaling din silang sumulat ng kanta .
.
Personal na reaksyon ni Kier Mendoza
CLARENIANS-malalalim ang paniniwala nila sa puong may kapal hinding-hindi na mababali ang tiwala na inilahad nila sa may kapal maaring may mga bagy na lubos nilang nauunawaan ang mga himalang ginagagwa ng diyos sa mundo nating mga tao na hindi pinapahalagahan ng lahat sila ang makakapaglapit sayo sa tunay na panginoon. kahit anu pa mang uri ng seminarista ang nabubuo dito sa ating mundo ay may iisa paring panginoon angating pinaniniwalaan at sinasamba hindi na mahalga sa atin kung saan ka nabibilang ang mahalaga ay lubusan nating tanggapin ang diyos at tuluyang papasukin sa pinto ng ating mga puso.
LONGUINASIANS-realistic man ang mga ito hindi darating sa pagkakataong mabilis silang mapaniwala lagi silang gumagawa ng mga paraan, upang lubos na maunawaan na may sapat na mga ebedensya. Hindi sapat sa kanila ang mga idea kailangan nila ang mga kongkretong paliwanag sa bawat tuklas.
ARCHANIANS-sila ay may malakas na paninindigan sa buhay may mga sarili silang pamantayan sa buhay hindi kaagad silang sumusuko sa debate malaki rin ang tiwala nila sa kanilang sarili may iba ring uri ng seminarista na matindi nilang kalaban sa debate ang mga longuinasians.
THOMASIANS-matatalinong seminarista ang pagkakakilanlan sa kanila mahilig silang lumutas ng mga problema .mahirap silang kalabanin dahil sila ang mga uri ng seminarista na mataas ang standard ng katalinuhan.
Paternians-nakakagulat na may ganito palang uri ng seminarista kahit alam natin na ang simbahan ay hindi sangayon sa mga bisexual dahil naniniwala sila na ang panginoon ay dalawang uri lamang ng tao ang lalaki na para sa babae at babae na para lamang sa lalaki.. Ngunit lubos silang tanggap sa lipunan pero kung dito sa ating bayan mukang mahihirapan sila bago sila lubusang matanggap.
Michaelians-ito ang maga uri ng seminarista na tinatawag na "kanangkamay" talagang maasahan ang ganitong uri ng seminarista.Dahil sila ang madalas na humahalili sa gawain ng mga pari at gumaganap sa iba nitong lakad kaya masasabi nating adventurous sila.
.
.
Gabrielians-Ito ung masasabi kong may karisma sa mga tao ito ung mapanghikayat sa mga gawain nila na mabilis na mataggap ng ibang tao mahilig din silang magkwento ng mga bagay sa ibang tao na may kinalaman sa kapaligiran minsan ay may kwelang karagdagan para sa iba.
Catherinians-nakakatuwang isipin na may mga tagapanig ng simbahan na walang kinikilingan dahil sa panahon ngayon. Maraming sinasalungat ang simbahan laban sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno at sa mga uri nila ay pumapagitna sila sa mga usaping magkatunggali ang simbahan at ibang sangay ng lipunan.
Raphaelian-nakakamanghang isipin na may isang uri ng seminarista na ang hangad ay makatulong sa ibang tao upang masunod ang kagustuhan ng panginoon ng walang hinihinging kapalit dito at sana lalo pang dumami ang ganitong uri ng mga seminarista.
CLARENIANS-malalalim ang paniniwala nila sa puong may kapal hinding-hindi na mababali ang tiwala na inilahad nila sa may kapal maaring may mga bagy na lubos nilang nauunawaan ang mga himalang ginagagwa ng diyos sa mundo nating mga tao na hindi pinapahalagahan ng lahat sila ang makakapaglapit sayo sa tunay na panginoon. kahit anu pa mang uri ng seminarista ang nabubuo dito sa ating mundo ay may iisa paring panginoon angating pinaniniwalaan at sinasamba hindi na mahalga sa atin kung saan ka nabibilang ang mahalaga ay lubusan nating tanggapin ang diyos at tuluyang papasukin sa pinto ng ating mga puso.
LONGUINASIANS-realistic man ang mga ito hindi darating sa pagkakataong mabilis silang mapaniwala lagi silang gumagawa ng mga paraan, upang lubos na maunawaan na may sapat na mga ebedensya. Hindi sapat sa kanila ang mga idea kailangan nila ang mga kongkretong paliwanag sa bawat tuklas.
ARCHANIANS-sila ay may malakas na paninindigan sa buhay may mga sarili silang pamantayan sa buhay hindi kaagad silang sumusuko sa debate malaki rin ang tiwala nila sa kanilang sarili may iba ring uri ng seminarista na matindi nilang kalaban sa debate ang mga longuinasians.
THOMASIANS-matatalinong seminarista ang pagkakakilanlan sa kanila mahilig silang lumutas ng mga problema .mahirap silang kalabanin dahil sila ang mga uri ng seminarista na mataas ang standard ng katalinuhan.
Paternians-nakakagulat na may ganito palang uri ng seminarista kahit alam natin na ang simbahan ay hindi sangayon sa mga bisexual dahil naniniwala sila na ang panginoon ay dalawang uri lamang ng tao ang lalaki na para sa babae at babae na para lamang sa lalaki.. Ngunit lubos silang tanggap sa lipunan pero kung dito sa ating bayan mukang mahihirapan sila bago sila lubusang matanggap.
Michaelians-ito ang maga uri ng seminarista na tinatawag na "kanangkamay" talagang maasahan ang ganitong uri ng seminarista.Dahil sila ang madalas na humahalili sa gawain ng mga pari at gumaganap sa iba nitong lakad kaya masasabi nating adventurous sila.
.
.
Gabrielians-Ito ung masasabi kong may karisma sa mga tao ito ung mapanghikayat sa mga gawain nila na mabilis na mataggap ng ibang tao mahilig din silang magkwento ng mga bagay sa ibang tao na may kinalaman sa kapaligiran minsan ay may kwelang karagdagan para sa iba.
Catherinians-nakakatuwang isipin na may mga tagapanig ng simbahan na walang kinikilingan dahil sa panahon ngayon. Maraming sinasalungat ang simbahan laban sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno at sa mga uri nila ay pumapagitna sila sa mga usaping magkatunggali ang simbahan at ibang sangay ng lipunan.
Raphaelian-nakakamanghang isipin na may isang uri ng seminarista na ang hangad ay makatulong sa ibang tao upang masunod ang kagustuhan ng panginoon ng walang hinihinging kapalit dito at sana lalo pang dumami ang ganitong uri ng mga seminarista.
Cecilians-Hindi natin imapagkakaila na ang mga banal na katulad nila ay may elementong pang talento na naibabahagi nila sa ibang tao sa mundo. -
No comments:
Post a Comment